ni Ray Marfil
from Abante Tonite
http://abante-tonite.com/issue/jan1210/news_story7.htm
Bagama’t namumuro ang mga guest candidate, ipinagmalaki ng tambalan nina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at Makati Mayor Jejomar Binay ang pagkakumpleto ng 12-man senatorial ticket.
Sa isang press statement, inilabas ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ang bumubuo ng 12 pangalan sa pagka-senador kung saan apat ang ‘inampon’ mula sa ibang kampo. Kahit nakaumang ang pagkadiskuwalipika sa presidential race, ipinagmalaki ni Estrada na magiging katuwang sa pagpapaunlad ng bansa at magpapanumbalik ng kapangyarihan sa masang Pilipino ang mga napili nitong senatoriables. Katulad ng inaasahan, nanguna sa senatorial ticket ng PMP ang original members ng partido, kinabibilangan nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate pro-tempore Jinggoy Ejercito-Estrada Jr., businessman Joey De Venecia, Cong. Rodolfo ‘Ompong’ Plaza, Cong. Apolinario ‘Jun’ Lozada Jr., at ex-Cong. JV Bautista. Nasa senatorial ticket din nina Estrada at Binay si dating senador Francisco “Kit” Tatad na naunang nakasamaan ng loob ng dating Pangulo matapos kuwestyunin ang political dynasty, sa panahong magkasama ang mag-inang sina dating senadora Luisa “Dra. Loi” Ejercito at Jinggoy. Tumayong guest candidate sa PMP sina Sens. Miriam Defensor Santiago, Ramon “Bong” Revilla Jr., dating senador Sergio “Serge” Osmena III, General Danilo Lim at Atty. Gwendolyn Pimentel.
No comments:
Post a Comment