Nina BTaguinod/DMatining/RMiranda (Abante)
http://abante.com.ph/issue/mar2510/news04.htm
PUERTO PRINCESA --- Nakokontrol na ng mga mayayaman ang partylist system dahil inaagawan na ng mga ito ng pagkakataon ang mga marginalized sector na magkaroon ng kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang pahayag ni dating Pangulong Joseph Estrada na nagbantang kanyang paaamyendahan ang partylist law kapag siya ang nanalong pangulo ng bansa sa Mayo at harangin ang mga mayayaman na maging congressman gamit ang sistemang ito.
“Siguro kailangan sa next Congress kailangan pag-aralan nang mabuti ang partylist, eh ang iba, are taking advantage of it. Ang partylist eh supposedly para sa marginalized representatives. Eh puro mayayaman so ginagamit lang ang partylist to dominate Congress,” pahayag ni Estrada.
Inihalimbawa nito si Pampanga Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo na first nominee ng Ang Galing Pinoy partylist at tiyahin nito na si Kasangga partylist Rep. Ma. Lourdes Arroyo na walang maniniwalang galing ang mga ito sa marginalized sector.
Nais din umano nitong paimbestigahan kung bakit lahat ng mga kakampi ni Arroyo na nagtayo ng partylist organization ay agad na inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) samantala ang iba na galing talaga, aniya, sa marginalized sector ay ibinasura ang aplikasyon.