By Rey MarfilFrom: Abante
Link: http://www.abante-tonite.com/issue/mar2910/news_story4.htm
Kahit pagsama-samahin ang gastos ng tatlong presidentiables, walang tatalo sa laki ng perang inilalabas ni Nacionalista Party (NP) presidential bet Senador Manny Villar.
Sa datos ng Nielsen, nasa P1.2 bilyon na ang perang inilabas ni Villar simula Nobyembre 1, 2009 hanggang Pebrero 8, 2010 na kung hihimayin ay papatak sa P13,333,333 bawat araw at katumbas ng P555,555 kada-oras.
Ang naturang halaga ay mahigit triple pa sa nagastos ng kanyang mga kalaban na sina Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III (P356 milyon); dating Pangulong Joseph Estrada (P93 milyon); ex-DND Sec. Gilbert Teodoro (P473 milyon); Sen. Richard Gordon (P246 milyon) at Bro. Eddie Villanueva (P103 milyon).
Sa nakaraan pa ring tatlong buwan, sa kabuuang 4,903 minuto ng poll ads na lumabas sa mga telebisyon, 2,054 minuto rito ay kay Villar.
Mahigit kalahati rin o 6,676 minuto ng political ads sa mga radyo na napakinggan ng madla ang kay Villar, sa kabuuang 10,576 minuto na inilabas ng lahat ng mga kandidato sa pagka-pangulo.
Bunga nito, lumampas na si Villar sa itinakdang batas na 120 minutong ‘airtime’ para sa mga kandidato sa kabuuan ng campaign period.
“Nakakatakot na ang ganitong sitwasyon,” anang mga political analysts na nagsabing walang respeto ang NP sa kasagraduhan ng halalan at sa demokrasya ng bansa dahil malinaw umano ang balak na mistulang gusto lang maging pangulo nito.
Uminit naman ang panawagan sa Commission on Elections (Comelec) na alisin sa listahan ng mga kandidato si Villar dahil sa garapalang paglabag sa Omnibus Election Code (OEC). Ayon na rin sa OEC, ‘disqualification’ ang parusa sa mga kandidatong hayagang lumalabag sa mga batas ng halalan.
Ang Nielsen/PaP ay koalisyon na nagbabantay sa gastos ng mga kandidato upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa regulasyong itinakda ng OEC para sa magagastos ng mga kandidato at hindi ito maabuso.

No comments:
Post a Comment