Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

March 25, 2010

Partylist kinokontrol ng mga mayayaman

Nina BTaguinod/DMatining/RMiranda (Abante) 
http://abante.com.ph/issue/mar2510/news04.htm

PUERTO PRINCESA --- Nakokontrol na ng mga mayayaman ang partylist system dahil inaagawan na ng mga ito ng pagkakataon ang mga margina­lized sector na magkaroon ng kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang pahayag ni da­ting Pangulong Joseph Estrada na nagbantang kanyang paaamyendahan ang partylist law kapag siya ang nanalong pangulo ng bansa sa Mayo at hara­ngin ang mga mayayaman na maging congressman gamit ang sistemang ito.

“Siguro kailangan sa next Congress kailangan pag-aralan nang mabuti ang partylist, eh ang iba, are taking advantage of it. Ang partylist eh suppo­sedly para sa marginalized representatives. Eh puro mayayaman so ginagamit lang ang partylist to dominate Congress,” pahayag ni Estrada.

Inihalimbawa nito si Pampanga Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo na first nominee ng Ang Galing Pinoy partylist at tiyahin nito na si Kasangga partylist Rep. Ma. Lourdes Arroyo na walang maniniwalang galing ang mga ito sa marginalized sector.

Nais din umano nitong paimbestigahan kung bakit lahat ng mga kakampi ni Arroyo na nagtayo ng partylist organization ay agad na inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) samantala ang iba na galing talaga, aniya, sa margina­lized sector ay ibinasura ang aplikasyon.

Mikey pinutakti

“Paano siya maging representante ng mga security guard eh, bantay-salakay siya?”

Ito ang patutsada ni Libe­ral Party senatorial bet Risa Hontiveros kay Mikey Arroyo matapos siyang mahirang bilang first nominee ng Ang Galing Pinoy (AGP) partylist, isang organisasyon ng mga security guards.

Ayon kay Hontiveros ginagamit lamang mga Arroyos ang partylist system para dumami ang mga kakampi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Kongreso.

Hindi lamang malaking insulto kundi pambabastos umano sa hanay ng security guards ang ginawang pagbilang kay Mikey sa naturang sektor.

Sinabi naman ni Anakpawis partylist Rep. Joel Maglunsod na maghahain ng disqualification case ang iba’t ibang margina­lized sectors sa Comelec para i-disqualify si Mikey Arroyo.

“Kailan pa siya naging bahagi ng marginalized sector? He is a presidential son and he can afford to buy a $1.3 million house in San Francisco, California,” tanong ni Maglunsod.

Samantala, wala naman umanong nakikitang masama ang Malacañang sa gagawing pagsabak ni Mikey Arroyo bilang partylist representative gayong kandidato rin ang kanyang inang si Pa­ngulong Arroyo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga.

No comments:

Post a Comment