Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

March 22, 2010

Noynoy ibinisto ng pinsan sa 'Luisita'

mula sa Pilipino Star Ngayon  
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=560152&publicationSubCategoryId=92
MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Anak­pawis Rep. Rafael Mariano ang katotohanan sa mga sinabi ni Liberal Party pre­sidential ber Sen. Noynoy Aquino na ipamama­hagi niya sa 2014 sa mga mag­sasaka ang 6,000 hektarya ng kanilang lupain na saklaw ng agrarian reform na hinaharang ng kanilang pamilya sa Korte Suprema.

Ito’y matapos ilathala ng pahayagang New York Times sa United States ang pag-amin ng isang kamag-anak ni Noy­noy na hindi nila ipama­mahagi ang lupain sa mga magsasaka, taliwas sa ipinahayag ng pambato ng Liberal Party sa May 10 elections.

Sa panayam ni Carlos Conde, correspondent ng NYT sa Pilipinas, sinabi ni Fernando Cojuangco, pin­san ni Noynoy at chief operating officer ng holding company sa taniman ng tubo sa Luisita, na mala­bong isuko ng kanilang pamilya ang lupain na hawak nila mula pa noong 1958.

Bagaman kinontra ni Noynoy ang ulat sa NYT na posible umanong nagkamali lamang ang sumulat sa mga sinabi ng kanyang pinsan, nanindigan si Conde na tama at naka-record ang mga inihayag ni Fernando.

Sinabi ni Mariano na nagkamali si Noynoy sa gi­nawang pangako dahil hindi na nito malilinlang ang mga magsasaka na dapat sanang nakikinabang sa lupain.

Patuloy din umano ang paghahanap ng katarungan ng mga magsasaka na napaslang sa hacienda kabilang ang pitong nasawi sa welga noong 2004 at iba pang biktima ng asasinasyon pagkatapos nito. (Butch Quejada)

No comments:

Post a Comment