Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

April 7, 2010

Senatorial debate nauwi sa pikunan

 
Nauwi sa batuhan ng putik ang inorganisang senatorial forum ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na layon sanang salain ang mga kandidatong tunay ang malasakit at pagmamahal sa bayan.

Kasama sa forum bilang audience at observer ang mga katutubong aeta, mga magsasaka, maralitang taga-nayon, at iba pang sektor.

Uminit ang debate nang magtanong ang organizer ng debate kung sang-ayon ang mga kandidato na ma­ging pangunahing agenda ng susunod na pangulo ng bansa ang land reform.

Tanging si Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) senatorial candidate Juan Ponce Enrile ang sumagot na hindi sang-ayon kasu­nod ang pag-lecture tungkol sa land reform.

Kinontra ito ni Liberal Party (LP) senatorial candidate Dr. Martin Bautista at pinasaringan si Enrile na hindi nauunawaan ang tunay na damdamin ng mga magsasaka at katutubo na uhaw sa sariling lupa. Aniya pa, dapat ipaubaya na lamang ni Enrile sa ibang mas batang lider ang pagsisilbi sa bayan.

Hinamon naman ni Enrile si Bautista na mag-one-on-one na lamang sila sa Mayo 10 para malaman kung sino sa kanila ang pagkakatiwalaan ng taumbayan.

Naputol lamang ang mainit na sagutan ng dalawang kandidato nang puma­gitna si CBCP spokesman Msgr. Pedro Quitorio. “Nakakalungkot isipin na ang mga kandidato natin ngayon ay walang ibinibidang plataporma na sasagot sa kahirapan ng taumbayan. They are just focusing in personal debate, wala sila sa isyu,” pasaring ng monsenyor. 

No comments:

Post a Comment