Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

January 23, 2010

GMA allies nagparamdam na kay Erap

by Bernard Taguinod (Abante-Tonite) Jan 23, 2010
http://abante-tonite.com/issue/jan2310/news_story7.htm

Ilang oras lamang matapos payagan ng Commission on Elections (Co­melec) na makatakbo sa presidential election si dating Pangulong Joseph Estrada, nagsimula nang magparamdam sa Partido ng Masang Pilipino (PMP) ang mga natitirang kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang kinumpirma ng isang kaalyado ni Estrada sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi na nagpabanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito

“Pagkatapos payagan ng Comelec si Erap na tumakbo, nabuhayan ng loob ‘yung karamihan sa admi­nistration bloc na nagdadalawang isip na bumalik kay Erap. Nagtatawagan na sila ngayon,” pahayag ng mambabatas.

Nauna rito, ang ilang kaalyado ni Arroyo, hindi lamang sa Kamara ay lumipat na sa Nacionalista Party (NP) at Liberal Party (LP) habang ang natitira ay si Estrada umano ang gustong suportahan sa darating na halalan.

Hindi naman nagtaka si Agusan del Sur Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza kung maraming kaalyado ni Arroyo ang nais suportahan si Estrada dahil sa kanilang mga eksperyensa umano sa pag-iikot sa bansa, matindi pa rin umano ang hatak ng dating Pangulo sa taumbayan.

No comments:

Post a Comment