Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 1, 2010

Bawal ang pekeng kapitan

ni Rey Marfil (Abante - Tonite)
http://www.abante-tonite.com/issue/feb0110/news_story6.htm

Inirekomenda ni Sen. Richard ‘Dick’ Gordon na ipagbawal ng private shipping lines ang pagkuha sa serbisyo ng mga dispalinghadong tauhan at kapitan ng barko para masi­gurong ligtas ang mga pa­sahero.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, napatunayan sa ginawang pagdinig sa paglubog ng M/V Baleno 9 ang kapabayaan ng private shipping lines sampu ng mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Aniya, pinakamala­king pagbabagong dapat gawin ng gobyerno ang implementasyon ng international standards sa domestic shipping, katulad ang pag-upgrade sa level of standards sa mga private shipping lines.
Bilang solusyon, inirekomenda ni Gordon ang pagbabawal sa mga private shipping lines na kumuha ng hindi sertipikadong kapitan na idinaan lamang sa experience ang pagtitimon ng barko.

“We have to upgrade the shipping industry by providing incentives. When a company acquires new ships, they should be given incentives for that. There must also be a reevaluation of major and minor patrons who man passenger ships. We should know their capabilities and they ought to be assigned to posts or duties equal to their nautical knowledge and capacity,” ani Gordon.

Sa nakaraang hearing, malinaw ang kabiguan ng gobyerno na ipatupad ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga pasahero, sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (Marina), partikular ang tamang maritime operations at safety measures.

“The Marina should impose stiff penalties for ships that do not provide complete passenger manifest. We have to change the system. The manifest must be submitted before departure,” ani Gordon.

Naging ugali ng gob­yerno, sa pangunguna ng DOTC at Marina, ma­ging ng mga shipping lines ang magpabaya sa trabaho at kumikilos lamang aniya kapag may barkong lumubog o may sakunang naganap sa karagatan.
Ang pinakamasakit na katotohanan, ayon kay Gordon ang pagiging ganid ng mga nakaupo sa pamahalaan, sampu ng may-ari ng shipping lines dahil ang kumita ng malaki ang nasa isipan kesa kaligtasan ng pasahero.
“Our country holds the unflattering distinction for having the world’s worst peacetime maritime safety record. Whenever a ship sinks, we conduct investigations left and right, but nothing really happens. At the end of the day, after all the media hype, everything will be forgotten until another ship sinks, and the cycle of tolerance -- tolerance for the incompetent, the unsafe and the greedy goes on,” ani Gordon
.

No comments:

Post a Comment