Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

March 17, 2010

Future scientists pinili si Gibo

mula sa Pilipino Star Ngayon
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=558620&publicationSubCategoryId=92


MANILA, Philippines - Kahit hindi pa mga botante ang mga future scientists ng bansa na pawang estudyante ng Philippine Science High School, pinili nila si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. bilang susunod na pangulo sa isinagawa nilang mock elections.

Hindi man sila botante sa ngayon, alam ng mga estudyante ng PSHS na dapat paghandaan ang kanilang magiging kinabukasan kaya dapat paghandaang mabuti at piliin ang susunod na lider ng bansa.

Sa mock elections na nilahukan ng may 300 estudyante, nakakuha si Teodoro ng 54 percent habang si Liberal Party presidential bet Noynoy Aquino ay nakakuha ng 19 percent kasunod si Sen. Richard Gordon na may 12 percent.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo si Teodoro sa mock elections na isinagawa sa mga paaralan sa bansa kung saan maging ang alma mater ni Noynoy na Ateneo de Manila University ay ang una ang nanalo. Maging sa isinagawang independent survey ng Campaigns and Images sa koordinasyon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ay big­lang umangat si Teodoro sa 2nd spot kung saan ay tinalo na niya si Noynoy. (Rudy Andal)

No comments:

Post a Comment