Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

March 19, 2010

Ibasura na ang EVAT -- Binay

from Abante-Tonite
http://www.abante-tonite.com/issue/mar1910/news_story6.htm


Oras na para palayain ang masa mula sa tanikala ng hindi makatarungang pagbubuwis.
Ang posisyong ito ang pinanindigan ni United Opposition (UNO) vice presidential candidate Jejomar C. Binay na muling nanawagan para tuluyang ibasura ang Expanded Va­lue Added Tax (EVAT) partikular sa langis at kuryente.
Binanggit ni Binay ang mga datos mula sa Department of Energy (DOE), Family Income Expenditures Survey (FIES) at International Monetary Fund (IMF) na nagpapakita na noong 2008, ang transport sector at ordinaryong tahanan na gumagamit ng kerosene at liquefied petroleum gas (LPG) ang kumargo sa may P18 bil­yon o P30 bilyong kita sa EVAT ng gobyerno, na taliwas sa ibinabando ng gobyerno na tanging ang mga mayayaman ang dapat bumalikat ng malaking bulto ng EVAT.
Binanggit din ni Binay ang DOE estimate na nagsasaad na piso bawat unit ang increase sa diesel price ang nagpataas ng generation cost ng kuryente gaya ng sumusunod: Luzon, P0.0002; Visayas, P0.0015; Mindanao, P0.0002; at ang buong Pilipinas, P0.0004.
Ipinaliwanag ni Binay na ang P1 per unit increase sa bunker price ay nagbibigay ng mataas na generation costs tulad sa: Luzon, P0.0002; Visayas, P0.0198; Mindanao, P0.0659 at buong Pilipinas, P0.0161.
“EVAT is an unnecessary tax that needs to be reviewed and scrapped to give relief to the suffering Filipino wor­king class. Raise their wages. Give them a fighting chance against oppressive taxes,” ani Binay.
“Major oil players have raised pump prices anew, this time without notice. The latest in the series of oil price hikes has brought diesel prices to P33.25 to P35.80 per liter while gasoline is now retailed at P42.70 to P45 to a liter. Kerosene is now prices at P41.15 to P47.50,” dagdag pa ng vice presidentiable.
Aniya, ang tumataas na gastusin sa langis at ener­hiya ay nagpapataas din sa presyo ng mga bilihin at lalong nagpapahirap sa milyun-milyong magsasaka at manggagawa sa buong bansa.
Dahil dito, kailangan lamang aniyang alisin na ang EVAT. “We should scrap EVAT. Government has other means to earn revenues to plug the deficit caused by its fiscal ma­nagement. It only has to intensify its tax collection as well as anti-smuggling efforts in order to plug reve­nue lea­kages. Government should not burden the poor with taxes,” ani Binay.

No comments:

Post a Comment