Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

March 19, 2010

KUMPLETOS RECADOS NA! ... sa failure of elections

nina DINDO MATINING, REY MARFIL, TINA MENDOZA, ROSE MIRANDA, JUN TADIOS at BOYET JADULCO (Abante)
http://abante.com.ph/issue/mar1910/news01.htm

Kumpleto na ang mga sangkap at lantad na rin ang mga senyales ng ‘failure of elections’ at pananatili ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa poder ng kapangyarihan dahil hindi ito mapapalitan sa Mayo 10 ng taong ito.

Ito ang pananaw ni Gabriela partylist Rep. Luzviminda Ilagan matapos bigyan ng Korte Suprema si Arroyo ng kapangyarihan na mag-appoint ng susunod na Chief Justice ng Korte Suprema ng bansa.

Ayon kay Ilagan, dahil sa desisyon ng Supreme Court, nakumpleto na umano ang lahat ng elemento sa pinangangambahang failure of election sa Mayo.

“It’s already complete. We’re just waiting the announcement of failure of election,” ani Ilagan sa panayam kahapon.

Ilan pa aniya sa mga ‘recado’ ng napipintong “failure of elections” ay ang pagtalaga ni Arroyo kay Gen. Delfin Bangit bilang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kasama na rin nito ang palpak o walang kasiguruhang automated election ang pagpasok ng mga pekeng partylist sa darating na halalan.

“Habang ang lahat ay naka-focus sa election, pinapwesto naman ni Presi­dent Arroyo. Ang susunod niya ay ang maging Prime Minister siya,” diin pa ni Ilagan.

Naniniwala naman si Anakpawis partylist Rep. Joel Maglunsod na sakaling magkagulo sa darating na eleksyon, tiyak umanong ang magiging unang kakampi ni Pangulong Arroyo ay ang Korte Suprema.

“Mukhang patungo tayo d’yan, kung magkakagulo o kaya ay may question about election results, no doubt ang SC ang unang kakampi ni President Arroyo,” pahayag ni Maglunsod.
Mula sa Laoag City, kinalampag kahapon ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang Judicial and Bar Council (JBC) na huwag basta isuko ang ibinigay na kapangyarihan ng SC kay Arroyo na mag-upo ng susunod na punong mahistrado.

“Don’t be a rubber stamp of the Supreme Court, file a motion for reconsideration on the SC ruling allowing PGMA (President Gloria Macapagal-Arroyo) to appoint next CJ,” ani Pangilinan.

Aniya, isang collegial body ang JBC at dapat lamang pagdesisyunan kung sumasang-ayon sa ruling ng SC ang JBC dahil maaaring palabasin sumasang-ayon ang mga ito kung hindi maghain ng motion for reconsideration.

“The JBC as a collegial body should vote on whethe­r or not it agrees with the SC decision and if it has the vote favoring opposition to the ruling, it should file a motion for reconsideration with the SC,” dagdag pa ng Liberal Party (LP) solon.

Ngunit naniniwala naman si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na malabo nang mabaligtad ang desisyong ito ng SC.

Nagbanta ang mga kongresista na uulanin ng mala­wakang kilos-protesta ang naging desisyon ng Korte Suprema na puma­yag na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Arroyo para magtalaga ng susunod na Chief Justice ng bansa.

Ayon kay Liberal Party senatorial bet at Akbayan partylist Rep. Risa Hontiveros, isasagawa nilang ngayong araw (Biyernes), ang unang “street battle” kasabay ng pana­wagan sa SC na ikonsidera ang kanilang desisyon.

Binuweltahan naman ng Korte Suprema kahapon ang mga kritiko nito at sinabing maghain na lamang ng motion for reconsideration sa halip na batikusin ang mga mahistrado na pumabor sa pagbibigay kapangyarihan kay Arroyo na magtalaga ng susunod na Chief Justice.

Ipinagtanggol ni SC Spokesman Atty. Midas Marquez ang desisyon ng SC sa nasabing isyu, aniya, independent ang bawat mahistrado sa nasabing usapin at nagkaroon ng deliberasyon at botohan.

Hindi rin naitago ng MalacaƱang ang pag-aray sa mga negatibong reaksyon sa SC decision pabor sa Pangulo.

Ngunit maging ang Simbahan kahapon ay nagbitaw ng pahayag na tututukan nila ang iuupong Chief Justice ng Pangulo upang masigurong ang interes ng samba­yanan ang mananaig at hindi ang interes ninuman.

No comments:

Post a Comment