Ni JB Salarzon (Abante)
Link: http://abante.com.ph/issue/mar1510/news03.htm
Naniniwala ang kampo ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. na ang biglang pag-angat ng standing ng una sa ikalawang puwesto sa ginawang nationwide survey kamakailan ay nagpapakita na umangat na ang maturity at kaisipan ng mga botante na naghahangad ng isang malinis at may kredibilidad na halalan sa Mayo 10.
“Ang survey ay nagpapakita lamang na ang bawat Pilipinong botante ay hindi na basta-basta nakukuha sa mga anumang klase ng promosyon o gimik. Nag-iisip na ngayong ang botante,” ani Mike Toledo, tagapagsalita ng presidential bet.
Sinabi nito na hindi naniniwala si Teodoro sa mga gimik gaya ng pagdadala ng mga artista sa kanyang kampanya para lamang makahatak ng tao kundi ang tanging magdadala sa kanya ay ang tamang pagpapaliwanag sa tao kung ano ang mga isyu ng bansa na dapat resolbahin.
“At mas lalong hindi monopolyo ng Class A and B ang pagresolba sa mga isyu dahil ang malawak na mamamayan ang dapat mapagtanto,” ani Toledo.

Sa nasabing survey na sinalihan ng 5,000 respondents at isinagawa ng independenteng survey firm na Campaign and Images at nagtapos noong March 7, sumalpak sa double-digit si Teodoro.
Nakakupo ng impresibong 24% si Teodoro para pumangalawa kay Sen. Manny Villar (NP) na may 31%, habang pangatlo naman si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III (LP) na may 20% at pang-apat si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada (PMP) sa 13%.
No comments:
Post a Comment