Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

March 16, 2010

Makinarya, kabataan partida ni Gibo, rating raratsada pa

mula sa Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines - Inihayag ngayon ng isang kilalang pollster na malamang lalo pang umangat ang rating ni Lakas-Kampi presidential candidate Gilberto “Gibo” Teodoro.

Bunga ito ng lumala­kas na suporta ng mga kabataan at ang malakas na makinaryang pampulitika, ayon sa analysis ng isang independent research firm.

Sinabi ng Campaigns & Image Group na ni­lampasan na ngayon ni Teodoro sa rating si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, na dating nasa ikalawang pwesto, sa kanilang pinakahuling pambansang survey sa presidentiables.

Sinabi ng CIG na, base sa ginawa nitong survey sa pakikipagtulungan sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting, ang rating ni Teodoro ay umakyat na mula sa single-digit noong nakaraang Disyembre patungong 24% ngayong Marso dahil sa political machinery ng administration party at sa pagsisikap niyang maki­pag-ugnayan nang husto sa mga pulitiko sa local level na naghahangad ng re-election sa iba’t ibang posisyon.

Binigyang-pansin din nito na ang kampanya ni Teodoro ay umaasa sa malawak na network ng mga kabataang volunteer sa mga kolehiyo at unibersidad na naglagay sa kanya sa kaisipan ng mga botanteng nasa 18-28 at 29-39 age bracket.


Ang rating ni Gibo, ayon sa naturang research firm, ay inaasahang lalo pang magpapaimbulog kapag nagsimula na ang kampanya sa local level sa Marso 27 kung kailan magsisimula nang gumana ang makinarya ng partido sa pinakamababang lebel para pumabor sa mga national candidates.

Sa pagtatanong ng CIG sa 5,100 botante sa buong bansa sa pinakahuling survey nito na natapos nitong Marso 7, luma­labas na si Manny Villar ng Nacionalista Party ang nananatiling nangunguna ngunit ikalawa na si Teodoro matapos nitong malagpasan si Aquino.

No comments:

Post a Comment