Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 12, 2010

Bro. Mike, kay Villar na?

ni Boyet Jadulco

Si Nacionalista Party (NP) standard bearer Sen. Manny Villar kaya ang susuportahan ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa May 10 presidential elections?

Ito ang sumulpot na katanungan kahapon dahil sa espesyal na atensyon na ibinibigay ngayon ni Velarde kay Villar at sa running mate nitong si Sen. Loren Legarda.

Napag-alaman kay Legarda na inimbitahan sila ng spiritual leader ng El Shaddai para maging panauhin ng anniversary celebration ng kanilang chapter sa Hong Kong ngayong Pebrero 13 at 14.

“Inimbitahan kami ni Bro. Mike sa Hong Kong,” pahayag ng senadora.

Hindi naman matiyak ni Legarda kung ang imbitasyon sa kanila ay katumbas na rin ng endorsement para sa May 10 elections.

Si Velarde ay isa sa palaging hinahabol ng mga pulitiko tuwing eleksyon dahil sa walong milyong miyembro nito.

Sa pagtatanong sa isang miyembro ng El Shaddai, wala pa umanong ibinubulong sa kanila si Velarde kung sino ang susuportahan sa darating na halalan, subalit tuwing magpupunta sila sa overnight service sa ParaƱaque ay palaging sinasabi nito na magsuot sila ng kulay orange at binabanggit ang “check.”

No comments:

Post a Comment