Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 13, 2010

“NoyBi” sticker kumalat sa Kamara

by BT/RM/BJ (Abante)
 
Kumalat kahapon sa Batasang Pambansa ang mga “NoyBi” stickers o “Noynoy Aquino for Pre­sident-Jojo Binay for Vice President” bagama’t may kanya-kanyang grupo ang presidential candidate ng Liberal Party (LP) at Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) vice presidential bet Jejomar “Jojo” Binay.

Ang kulay asul na stic­ker at may background na puti ay naunang ikinalat sa mga pampasaherong sasakyan ng Alyansa ng Tunay na Pagbabago (ATP) ilang linggo na ang nakakaraan.

Hindi lingid sa marami na ang runningmate ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III ay si Sen. Mar Ro­xas habang si dating Pa­ngulong Joseph Estrada naman ang katambal ni Binay sa PMP.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa ATP na pinamumunuan ni Rene Balisi, para isulong ang hiwalay na tambalan nina Aquino at Binay dahil umano sa paniniwala ng mga ito sa dalawang national candidate.

Sa Iloilo, mariing itinanggi ni Noynoy ang pagiging ‘secret candidate’ ni Binay at sinabing pang-iintriga lamang ito dahil hindi niya ilalaglag si Roxas kapalit ni Binay.

Bunsod nito, naniniwala naman ang Nacionalista Party (NP) na may namamagitang alitan sa pagitan nina Aquino at Roxas bunsod sa kumalat na NoyBi sticker.

No comments:

Post a Comment