From Tonite
Ni: Rey Marfil
Link: http://www.abante-tonite.com/issue/mar2710/news_9.htm
Nais ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate Vicente “Tito” Sotto III na maging libre ang rehabilitation sa lahat ng mga drug dependent sa Pilipinas kaya’t bukas ito sa pagbuo ng isang attached agency sa ilalim ng Department of Health (DOH) na tututok sa paglutas sa suliranin ng drug abuse sa bansa.
Ayon kay Sotto, ang libreng rehabilitation ay magiging bahagi ng mga benepisyo na ibinibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) samantalang ang attached agency sa ilalim ng DOH na tatawaging Bureau of Drug Abuse Treatment (BDAT), isang bureau na siyang mamamahala sa lahat ng mga problema at programa para sa ikauunlad ng mga drug dependent.
Naniniwala si Sotto na hindi magtatagumpay ang pamahalaan sa laban nito kontra ilegal na droga sa pamamagitan lamang ng epektibong law enforcement at prosecution, kundi pati na rin sa pagtutok sa rehabilitation at preventive education.
Iminungkahi ni Sotto na gawing libre ang rehabilitation at magtayo ng hiwalay na ahensya ng pamahalaan upang mabigyan ng atensyon ang problema sa drug abuse.
Sa kasalukuyan, ang rehabilitation ay nasa ilalim ng pamamahala ng DOH ngunit hindi ito kasama sa mga prayoridad ng Health department.

No comments:
Post a Comment