Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

March 4, 2010

PULITIKONG DRUGLORD IBILAD NA!

NINA ERALYN PRADO at REY MARFIL
http://abante.com.ph/issue/mar0410/news01.htm

Hinamon ni Makati Mayor at vice presidential candidate Jejomar Binay ang pamahalaan na maglabas ng “order of battle” na naglalaman ng listahan ng mga pangalan ng kilalang druglords at narco-politicians na suportado ng mga ebidensiyang makakatayo sa korte.

Ang hamon ay ginawa ni Binay kasunod sa naging babala ng US State Department ukol sa posibilidad na ang perang mula sa droga na makakaimpluwensiya sa resulta ng darating na halalan ay maaaring gamitin umano sa paninira sa mga personalidad lalo ngayon na umiinit na ang panahon ng halalan.

Ayon kay Binay, kung ang mga awtoridad ay may listahan ng mga most wanted kidnappers walang dahilan upang hindi rin nito magagawa ang listahan ng mga druglords at narco-politicians.

“If the authorities have a roster of the most wanted kidnappers why can’t it do the same by coming up with an order of battle for druglords and narco-politicians? We need specific targets so we can build airtight cases against them which can stand in court so the war against drugs will claim no collateral damage that destroys reputations and civil liberties especially during an election season when such accusations are easy to concoct and circulate,” ayon kay Binay.
Nilinaw ni Binay na ang ipinanukala niyang “order of battle” ay hindi sa anuman pa man kundi para sa “prosecution purposes”.

Madalas umano ay nagbibigay ng listahan sa media ang mga awtoridad upang palabasin lamang na sila’y may ginagawa ngunit wala naman itong sinasabi kung paano dakpin ang mga targets bagkus nagbibigay lamang ito ng daan sa mga target upang paghandaan ang pagtakas.

Dahil dito, naniniwala si Binay na mahalaga umano ang nabanggit niyang panukala dahil sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagtuturo at mga akusasyon nang walang sapat na batayan lalo ngayong mainit ang pulitika.

Narco, drug money posible -- Noynoy

Samantala, naniniwala si Liberal Party (LP) presidential bet Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na may katotohanan ang pahayag ng US State Department sa posibleng pagbuhos ng drug money ngayong May 10 elections, subalit tiniyak nito na hindi ito makakalusot sa kanilang kampo.

Inihalimbawa ni Aquino ang nangyayaring kalakaran sa Columbia, ilang dekada ang nakakaraan kung saan salapi ng mga drug lord ang nagpapanalo sa presidentiable at meron pang assassination na ginagawa para pigilan ang mga kalaban nito.

Sa Pilipinas, ito’y maaaring mangyari su­balit wala pang nababalitaan sa ngayon si Aquino kung pumapasok sa kampo ng mga katunggaling presidentiables ang drug money.

Maliban dito, mapapahiya lamang ang sinumang mag-aalok ng financial assistance mula sa illegal activities, katulad ng jueteng at drug money.

No comments:

Post a Comment