Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 25, 2010

EDSA Revolution dapat laging alalahanin -- Binay

nina Eralyn Prado/Rey Marfil (Abante)
http://abante.com.ph/issue/feb2510/news06.htm

“Dapat laging alalahanin ang EDSA Revolution na isang pag-alay ng buhay ng mamamayang Filipino para sa bansa.”

Ito ang naging mensahe ni Makati Mayor at vice presidential candidate Jejomar Binay kaugnay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA Revolution.

“For me, EDSA was all about courage. It came to a point where Filipinos were willing to make the supreme sacrifice. Iaalay ang buhay kung kailangan,” ayon kay Binay.

Ihinalimbawa pa ni Binay ang maiksing talumpati ng yumaong si dating Pangulong Corazon Aquino sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) Building noong hapon ng Pebrero 24 kung saa’y nanawagan ito sa sambayanang Filipino na manindigan at mahalin ang bansa.
Sinabi pa ng alkalde, na ang EDSA Revolution ay maituturing na isang shining moment kung saan ang mayaman at mahirap ay nagkapit-bisig na nanindigan upang lumaban kontra diktaturyal.

Kaugnay nito, inamin kahapon ni Liberal Party (LP) presidential bet Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na nakinabang at pumabor sa kanyang presidential bid ang paggunita sa ika-24 taong anibersaryo ng EDSA 1 o People Power Revolution na nagluklok sa kanyang ina bilang pangulo

No comments:

Post a Comment