ni Bernard Taguinod (Abante)
http://abante.com.ph/issue/feb2710/news03.htm CANDON CITY, Ilocos Sur --- Hindi masosolo ng Nacionalista Party (NP) ang suporta ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ito ang pahayag ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada kahapon kaugnay ng koalisyon ng NP at NPC na naghahangad ng titulong “dominant party” ngayong halalan.
Ayon kay Estrada, maraming miyembro ng NPC ang nasa kampo ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) kaya kahit aprubado na umano ang koalisyon ng dalawang nasabing partido ay hindi pa rin masosolo ni Sen. Manny Villar ang NPC.
“O, marami ring NPC ang kasama namin. Si Sen. Ernie Maceda, chairman emeritus ng NPC kasama namin, si (deputy) Speaker (Arnulfo) Fuentavella NPC din ‘yan kasama din namin,” ani Estrada.
Hiwa-hiwalay, aniya, ang NPC kaya wala umanong epekto sa kanyang kandidatura sakaling totoo aniya ang coalition ng dalawang nasabing partido ngayong halalan
No comments:
Post a Comment