ni Aries Cano (Abante)
Walang pinagkaiba ang mga resulta ng survey sa Pilipinas bago ang May 10 elections sa mock polls na isinagawa sa Europa ng ilang samahan ng Filipino community kung saan ay sina presidential bet Noynoy Aquino at Manny Villar ang mahigpit na magkatunggali.
Kasabay ng mock poll ay mainit na rin ang usap-usapan sa pulitika ng mga Pinoy sa Europa bunsod ng nalalapit na Overseas Absentee Voting (OAV) na sisimulan na sa Abril 10.
Ang OAV ay isasagawa sa pamamagitan ng postal voting sa mga bansa sa European national maliban sa Northern Italy na magpapatupad ng personal voting.
Sa Italy may pinakamalaking bilang ng rehistradong botante o katumbas ng 23,435 pangalawa ang United Kingdom na nasa 8,552. Sa kabuuan ay mayroong 61,294 registered absentee voters sa Europa.
Sa isinagawang mock polls na nilahukan ng 25 organisasyon ng mga Pinoy sa Italy na tinaguriang “Lider mo, Iboto mo - Tinig sa Pagbabago”, nakakuha si Aquino ng 500 votes o 39%. Pumangalawa si Villar na may 25% at pangatlo si dating Pangulong Joseph Estrada na may 20%.
Sa vice-presidential race, si Sen. Manuel “Mar” Roxas II ang nanguna na may 39% kasunod si Sen. Loren Legarda na may 24%.
Sa hiwalay namang mock elections ng Philippine Association of Royal Mail Employees sa UK, si Villar ang nanguna na may 81 boto o 34%; pangalawa si Aquino, 73 boto o 34%. Dalawang-daan ang nagpartisipa sa nasabing aktibidad.
No comments:
Post a Comment