Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 24, 2010

Villar binasbasan ni Cardinal Vidal

ni Pilipino Star Ngayon
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=552284&publicationSubCategoryId=92
 
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ni Nacionalista Party presidential bet Manny Villar ang pagbabasbas sa kanya ni Ricardo Cardinal Vidal nang dumalaw ito sa Cebu City kamakailan.
Ang grupo ni Villar kasama ang runningmate na si Sen. Loren Legarda ay bumisita sa Cebu, Lapu-lapu at Talisay kung saan sinamahan sila ni Cebu 1st District Rep. Eduardo Gullas sa pag-iikot dito kasabay ng pagsapi ng “Alayon”, lokal na partido ng huli, sa NP.
Sa Archbishop Palace binasbasan ni Vidal si Villar na magkaroon ng magandang kalusugan at patuloy na manalangin sa Dios upang matupad nito ang kanyang mga mithiin para sa bansa. Aniya, isang karangalan din ang ginawang pagbisita ng huli sa kanilang lungsod.
Gayunman, nilinaw ni Vidal na hindi pag-eendorso ang ginawang pagbisita ni Villar sa kanya kundi dahil sila ay matagal ng magkaibigan.
Inamin naman ni Villar na hinihiling lamang niya ang “blessing” ni Vidal. Sapat na aniya ito para ipagdasal siya ng cardinal at sa kanyang mga “misyon para sa bansa”.
Nangako din si Villar sa mga residente ng Talisay City na bubuhusan niya ito ng maraming proyekto sa oras na maging pangulo. Aniya, ang mainit na pagtanggap ng taumbayan dito ay nagpapatunay na siya ang nangunguna sa survey.
Ipinahayag ni Villar na masaya siya at nakuha na niya ang simpatya ng “masa”, tulad ng lumabas sa survey. Unang tumabla si Villar kay Aquino sa survey ng The Center na nagtala ng 27%. (Butch Quejada)

No comments:

Post a Comment