by Bernard Taguinod/Eralyn Prado (Abante)
Lumilinaw ang mga disenyo sa pinaplanong failure of elections at magkaroon ng hold-over sa pamumuno sa bansa kung saan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pa rin ang tatayong lider ng gobyerno.
Ngayon pa lamang ay nababahala na ang mga progresibong mambabatas sa Kamara kaugnay ng mga nararanasang brownouts sa Mindanao kung saan, sinabi ng National Power Corporation (Napocor), na magtatagal ng tatlo hanggang apat na buwan ito.
Ayon kay Anakpawis partylist Rep. Joel Maglunsod, hindi tanggap ng Mindanaoans ang dahilan ng mga brownouts na isinisi sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Lanao Lake bagkus ay duda umano ang mga taga-rehiyon na disenyo ito ng failure of elections.
“Kailangang bantayan itong brownout ngayon dahil posibleng disenyo para sa failure of elections para makapanatili pa sa poder si GMA,” pahayag ni Maglunsod sa panayam sa telepono.
Ayon sa mambabatas na residente ng Mindanao, hindi maiaalis sa mga ito ang kanilang pangamba na magkakaroon ng failure of elections dahil ito na lamang ang tanging paraan para hindi mawala sa kapangyarihan si Arroyo.
Ipinaliwanag ng kongresista na maraming paraan na ang sinubok ng Malacañang para hindi matapos ang pamumuno ni Arroyo sa bansa subalit nabigo ang mga ito kaya ang failure of elections na lamang ang natitirang pag-asa nito.
Samantala, muling tiniyak kahapon ng Energy Department na walang magaganap na brownouts sa darating na halalan.
Ayon kay Energy Sec. Angelo Reyes, ngayon pa lamang ay masusi na itong pinaghahandaan ng ahensya upang masigurong walang mangyayaring brownouts.
Gayunpaman, aminado si Reyes na sa bahagi ng Visayas at Mindanao ay matindi ngayon ang kakulangan sa supply ng kuryente.

No comments:
Post a Comment