Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 16, 2010

Take 2 sa mock elections Ano ba ang problema? Ilatag na ngayon pa lang -- Gibo

nina JB Salarzon/Jun Tadios (Abante)

Kasabay ng paha­yag kahapon ng Commission on Elections (Co­melec) na niluluto nila ang isa pang ‘mock elections’ bago sumapit ang mismong araw ng halalan sa Mayo 10, hinamon ni Lakas-Kampi CMD standard bearer Gilbert ‘Gibo’ Teodoro ang komisyon na ilatag na nito ang lahat ng ‘baraha’ hinggil sa kauna-unahang poll automation sa bansa.

“As an outsider loo­king in, naturally I have my doubts. It is incumbent upon the Comelec to really disclose an ho­nest to goodness apprai­sal of what they cannot do and what we should expect from them,” ani Teo­doro sa harap ng mga dayuhang mamamahayag sa 13th Annual Prospects for the Philippines Confe­rence ng Foreign Corres­pondents Association of the Philippines (Focap) sa Makati City.
Mahalaga umanong maging tapat at transpa­rent ang Comelec sa publiko hinggil sa mga aber­yang maaaring mangyari sa automated polls at ngayon pa lang ay mai­latag na rin ang kanilang mga solus­yon upang mapangalagaan ang kredibi­lidad ng halalan sa Mayo.

Isa sa pinangangambahan ng presidential bet ng Lakas-Kampi ay ang kakapusan na ng panahon upang matutunan nang husto ng mga aasisteng guro ang operasyon ng auto­mated machines.

“There should be no doubt as to the credibility of the electoral exercise,” diin ni Teodoro habang hinahamon ang Comelec na, “once and for all whe­ther or not the election can be implemented in a credible manner given these circumstances facing the auto­mation.”

Kahapon ay ibinunyag ni Comelec Commissio­ner Gregorio Larra­zabal na pag-uusapan ng En Banc kung may sapat pang panahon at espasyo ang ka­ni­­lang steering committee para sa balak na “take two” ng mock elections.

Una nang inilutang ni Larrazabal ang posi­bilidad na magkaroon ng auto­mation dry-run bago ang nakatakdang botohan.

Pero nilinaw ng opis­yal na hindi nila itinuturing na bigo ang mock election noong Pebrero 6 na inilunsad sa piling lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

No comments:

Post a Comment