from Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines - Pinatunayan muli ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., ang pagiging “youth choice” matapos na manalo sa mock polls sa University of the Philippines (UP)-Mindanao.
Ayon kay Lakas-Kampi-CMD Secretary General Francis Manglapus, si Teodoro pa rin ang pinipili ng mga estudyante para maging susunod na pangulo ng bansa matapos na makakuha ng 33% sa nasabing mock elections habang 24.4% lang si Sen. Noynoy Aquino at 13.3% si Sen. Manuel Villar.
Unang tinalo ni Teodoro si Aquino sa mock poll sa Ateneo de Manila University na kilalang balwarte ng huli.
Hiniling naman ni Teodoro sa mga kabataan na maging mapagbantay at hindi dapat maniwala sa pangako ng mga kandidato.
“Your role does not end when you vote for your selected candidate. You must also remind the winner that he or she must work to fulfill campaign promises. An active citizenry is an essential part of democracy,” giit pa ni Gibo. (Rudy Andal)

No comments:
Post a Comment