Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 15, 2010

Comelec, katropa ni Villar! -- Noynoy camp

by Rey Marfil (Abante)
http://abante.com.ph/issue/feb1510/news06.htm

Kasabay ng alegas­yong pinatotohanan lamang ng administrasyong Arroyo ang sabwatan sa pagitan ni Nacionalista Party (NP) standard bearer Manuel ‘Manny’ Villar Jr., inakusahan ng kampo ni Liberal Party (LP) presi­dential bet at opposition Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng pagiging ‘katropa’ ng Commission on Elections (Comelec) ang una.

Ayon kay Atty. Edwin Lacierda, mas lalo pang luminaw ang ‘Villarroyo alliance’ dahil pawang LP candidates ang pinag-iinitan at hina-harass ng Malacañang, patunay ang pagsibak sa mga naka­upong incumbent officials at pagdiskuwalipika sa mga manok nito.

Isa-isang tinukoy ng tagapagsalita ni Aquino ang pagkadiskuwalipika kay Palawan Cong. Baham Mitra sa gubernatorial race, pagkasibak kay Bulacan Gov. JunJun Mendoza, Pampanga Gov. Among Ed Panlilio at Isa­bela Gov. Grace Padaca.

Maliban sa panggigipit ng Malacañang sa LP candidates, gamit ang Comelec, hindi rin aniya patas ang opisina ni Chairman Jose Melo sa TV ads kung saan lalo pang pinaboran si Villar.

No comments:

Post a Comment