Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 19, 2010

Balwarte ni Roxas kukunin ng NP

from Pilipino Star Ngayon
 
MANILA, Philippines - Naniniwala sina Nacionalista Party standard bearer Sen. Manuel Villar Jr. at runningmate nito na si Sen. Loren Legarda na makukuha nila ang boto sa balwarte ni Liberal Party vice-presidential candidate Sen. Mar Roxas.

Ayon kay Villar, mainit ang naging pagtanggap ng mga residente ng Roxas City sa kanila kaya malaki ang posibilildad na makuha nito ang boto ng mga ito sa Mayo 10. Nagtungo sina Villar at Legarda sa Collegio dela Puri­ sima Conception at Capiz State University kung saan na­ngako ang mga estudyante dito na ipapanalo nila ang una.

Dinalaw din nina Villar at Loren kasama ang kanilang mga senatoriables ang Aklan at Iloilo na kilalang balwarte ni Liberal Party senatorial candidate Franklin Drilon.
Aniya, ang pagtungo ng kanyang grupo sa nasabing mga lalawigan ay patunay lang na hindi natatakot ang NP na pasukin ang mga lugar na kilalang balwarte ng kalaban.

Ikinagalak din ni Legarda ang pagbibigay ng suporta sa kanila ng 13 alkalde mula sa 17 alkalde ng Cebu.

Nakatakdang pasukin nina Villar at Legarda ang Cebu para patunayang hindi na ito balwarte ng administrasyon. (Rudy Andal)

No comments:

Post a Comment