from (Pilipino Star Ngayon)
MANILA, Philippines - Nagbahay-bahay noong Sabado ang mga kandidato ng Bangon Pilipinas sa pangunguna ni presidential bet Bro. Eddie Villanueva sa dahop ng lugar ng Baseco, Tondo Manila bilang bahagi ng pangangampanya para sa darating na eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni Villanueva na ang puso ng kanyang partido ay ang mga mahihirap na aniya, kagaya ng ibang tao’y nilikha sa imahe ng Dios.
“Kapag nahalal, agresibo naming reresolbahin ang problema sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sustainable communities sa mga dahop na lugar upang magtaguyod ng mga negosyo. Ito ay gagawin aniya, sa tulong ng mga private institutions tulad ng Operation Compassion, Gawad Kalinga at Habitat for Humanity.
Kasama ni Villanueva sa kampanya ang vice presidential running mate niya na si Atty. Perfecto Yasay Jr. at ang mga senatorial candidates ng Bangon Pilipinas na binubuo nina Islamic expert Dr. Zafrullah Alonto, lawyer Reynaldo Princesa, lawyer Ramoncito Ocampo, broadcast journalist Katherine “Kata” Inocencio, Count Habib Adz Nikabulin, broadcast journalist Alex Tinsay at educator Dr. Israel Virgines.
No comments:
Post a Comment