Political news , opinions and views for 2010 Presidential election

February 18, 2010

Kayo lang dalawa sa debate? Sali si Gibo d’yan! -- palasyo

nina Rose Miranda/Rey Marfil/Bernard Taguinod (Abante)
http://abante.com.ph/issue/feb1810/news07.htm

Type rin ng Malacañang na isama sa one-on-one debate nina Liberal Party (LP) standard bea­rer Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Nacionalista Party (NP) Manuel Villar Jr. si administration pre­sidential bet Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr.

Bukod dito ay naniniwala rin ang Malacañang na ka­yang-kaya ni Teodoro na makipagsabayan kina Aquino at Villar dahil sa likas umano nitong talino at galing sa pagsasalita, bukod pa sa malinaw na plataporma sa gobyerno sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa.

Giit naman ni deputy presidential spokesman Ricardo Saludo, dapat na isama si Teodoro sa debate nina Aquino at Villar dahil ang administration bet umano ang itinuturing nila na ikatlo sa pinakamalakas na presidential candidates.
Kaugnay nito, sinabi ng LP na nakahanda ring harapin ni Aquino sa one-on-one debate si Teodoro at ang Pu­wersa ng Masang Pilipino (PMP) pre­sidential candidate na si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

“The LP standard bea­rer has not ruled out the possibility of including former President Joseph Estrada and Lakas-Kampi bet Gilbert Teodoro in the debate,” paha­yag ng LP.

Gayunpaman, sinabi ng kampo ng PMP na wala silang balak na sumawsaw sa banggaan at siraan nina Aquino at Villar.

Ayon kina Senate Pre­sident Juan Ponce Enrile at Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, manonood lamang umano ang mga ito sa siraan nina Villar at Aquino

No comments:

Post a Comment